But wait..... these leeches and their god may be down but not out...... They are at it again making noises ......... to thwart the inevitable......... I don't think so..... better accept the change and start mending your ways ......
To us who have long suffered the follies of a very bad dispensation, I'd say it's about time change should happen............ actually, it is long overdue...... We are hopeful that this change will bring about the reforms we wanted..........
Coming to the office today, I could hear Basia's New Day for You .........
......It's gonna be a new day for you
A new day for you
The stars have played their part
The past is gone and done
Have more faith in love
The best is yet to come
So what is this I hear
You deserve a break
Take time to think it out
Don't make a new mistake
I am here - your help at hand
It's gonna be a new day for you
A new day for you, new day for
you, new day for you.......
Soon, it will be for us..........
PS: Kuhanan ng card ng pangalawang anak ko ngayon. Kahapon pa niya sinasabi sa kin to. Sinabi ko na sabihin din sa daddy niya. Hanggang kagabi hindi ko na naman alam paano kukunin ang card. Marami rami na rin ako leave sa opisina at ayoko na sana lumiban. Pero kung walang kukuha, eh wala akong magagawa..... ganyan yata talaga ang papel ng isang nanay.
Naalala ko nang minsan kunin ang card ng anak kong ito...... Galing ako sa isang importanteng meeting sa Maynila kasama ang isang mataas na opisyal. Nagkaroon lang ng lunch break at me hinihintay pang ibang kasama sa yugto ng miting na yon. Nagpaalam ako sa mataas na opisyal na parang alanganin pang payagan ako bagamat babalik din sila sa opisina para mananghalian. Pumayag din naman at pinangako ko na direcho na ako sa opisina kung saan kami nagmimiting. Ibinaba nila ako sa sakayan ko. At dumerecho na ako sa eskwelahan. Tyempo naman na kung kelan ka nagmamadali natraffic ka pa. Mga isang oras lang ang nakalaan para makuha ko ang card at makabalik. Maynila pa yun at papunta ako Alabang.
Nakarating rin naman ako at madali rin nakuha ang card. Dali-dali akong uumalis at sumakay. Nasa Las Pinas pa lang ako nagtext na ang opisyal at sinasabing malapit na sila sa opisina. Sinabi ko kung nasan na ako. Mukang malelate talaga ako at mga kinse minuto na lang yata bago ang takdang oras. Maya maya tumetext sa kin at parang umaakyat ang puso ko sa lalamunan ko tuwing magtetext. Nakarating na sila sa lugar ng miting at ako ay natraffic. Nang makarating ng Buendia, bumaba ako ng bus para mag LRT na lang. Nag-umpisa na ang miting nila at text ng text ang alalay ng opisyal. Pagod na pagod na ako, kinakabahan pa ako na baka pagalitan ako..... Sinabi ko ang lokasyon ko. Sinabihan ako ng alalay na susunduin na lang ako ng driver pag baba ko ng LRT. Yun nga nangyari. Nakarating din ako sa miting na hindi ko alam ano itsura ko at ni hindi na nakakain ng tanghalian .... Agad akong umupo sa tabi ng opisyal para asistihan ito....
Sana naman wag ko nang gawin to ngayon..... Kaya salamat at ang asawa ko ang kukuha ng card..... Yey!
No comments:
Post a Comment