Saturday, September 13, 2008

Ika 14 ng Setyembre 2008


Brainchild's break still...... I have done most of my house chores yesterday so I should take it easy today. But still I need to work on the computer today. My son had submitted to my tall order. Then, my middle daughter would barge in and announce that she needs to use the computer too. The PC in the study is the main work area. My files are stored here. Guess, I won't be working today. I might as well have that massage......

PS: Tuwing Linggo, sabay sa pamamalengke namin ay namimili na rin kami ng pagkain n mga alagang hayop gaya ng aso, ibon, rabbits, hamsters, isda at manok. Me mga suking tindahan na kami para sa iba't ibang pagkain na ito. Dati dun sa tindahan ng bigas na me tinda rin pagkain ng iba't ibang hayop.

Ilan buwan na ang nakaraan, me nagbukas na tindahan ng pagkain ng hayop na napagtanungan ko minsan. Nakagaanan ko ng loob yun me ari na siya rin bantay ng tindahan. At simula nun, sa kanya na kami bumibili ng pagkain ng aso dahil malinis. Ipina-plastic niya bawat kilo kaya di nadadapuan ng langaw yun paninda niya. Mas mahal ng kaunti kesa sa dati namin binibilhan pero mas me kalidad naman ang paninda at serbisyo niya. Dagdag pa jan yun mga napapakiusap namin mag-asawa na ipabili sa kanya sa Cartimar, isang kilalang lugar na makukuhanan ng hayop at mga gamit. At binigyan na rin niya kami ng credit line. Pag naubusan ng pagkain ang mga aso namin, tumatakbo ang kasama ko sa kanya at bibigyan niya ng paninda kahit di bayaran. Babayaran na lang namin pag dating ng Linggo. Magaling mag-PR ang me-ari kaya naging regular na niya kaming customer.

Pero yun pagkain ng iba pang hayop, dun pa rin sa dating tindahan namin binibili at mas mura. Ang pagkain ng isda ay sa Bioresearch namin karaniwan binibili. Nitong mga nakaraan Linggo na bumibili kami, di na kami masyadong nasasayahan sa binibilhan namin tindahan ng mga pagkain para sa iba't ibang hayop. Mabagal at walang customer service ang mga nagsisilbi sa tindaan na yon. Yun suki namin, limitado din ang paninda niya ng pagkain para sa ibang hayop at higit na mas mahal. Kaya naisip namin na maghanap ng ibang tindahan. Kanina sinubukan namin yun isang tindahan dito. Halos pareho lang ang presyo at mas maraming klase yun pagkain ng hayop na tinda dito. Pagdating namin sa nasabing tindahan, nakahiga yun tindero at nagtetext. Halos lahat ng itananong namin hindi niya alam kung para saan. Bumili na rin kami at nandon na kami. Pero siguro di na kami mauulit dun. Maghahanap na lang ulit ng ibang tindahan. Huwag ko sanang matyempuhan ang me ari non tindahan na iyon at baka maisumbong ko yun tindero niya. Bakit kaya walang motibasyon sa trabaho niya itong tinderong ito? Sinayang ang pagkakataon na maging regular kaming customer.

4 comments:

sadako said...

ganyan din napapansin ko sa iab. sa halip na pagbutihin ang tarbahu eh kinatatamaran pa. yan siguro ang isa sa dahilan kung bakit madami ang naghihirap na pinoy. Ako kasi I don't believe in poverty except when there is really no solution. Pero ilang beses na ako naka salamuha ng mga blue collar jobs na hindi naman inaayos ang pagtatrabaho. I mean pano ka mapropromote, aasenso o yayaman kung mismo pagtitinda lang eh di mo pa magampanan ng tama?

haha ayan umandar na naman pagiging reklamador ko

madami ka pala pets sa inyo. Lagyan mo ng st. francis of assisi statue kung may garden kayo o sa tabi ng birds hehe. I dol ko si st. Francis

Anonymous said...

tama si Blue. maraming tao ang nagrereklamo sa gobyerno dahil sa kawalan ito ng kapangyarihang gampanan ang mga pangangailangan ng masa at mga naghihirap. pero ang katunayan naman ay maraming oportunidad, kaya lang ay di pinagpupursigihan ang mga ito. matatawag talagang sawimpalad ang isang tao kung ginampanan na niya ang lahat ng pwede niyang gawin para siya ay umunlad. madalang na madalang ang di aasenso sa ganitong iisipin--mapagsikap. kalimitan nagiging sentralisado sa sariling kaawaan sa buhay. kung mag-iiba ang pananaw at maging masigasig sa kanyang kapalaran, tiyak giginhawa rin kahit na mi-minsa'y mahihirapan.

Mahalia

brainchild said...

@panjeet,

kahit ano naman trabaho basta pinagbuti me mangyayari don. me mga mahihirap naman na yumayaman at me mayayaman na naghihirap. it's all in the attitude ika nga. kitang kita naman sa tao kung mahal niya ang trabaho niya o kung ano pa man vocation niya.

oo marami kaming pets at isa yan sa mga passion ko. parang babies ko rin yun mga dogs ko. alam mo idol ko rin si St. francis of assissi. yun movie na "Brother Sun, Sister Moon" ay isa sa mga pelikula na naging malaki ang impact sa akin. Mahirap para sa isang mayaman na tao na i-give up ang kayamanan niya at akapin ang kahirapan. Bakit pala sa tabi ng birds yun statue ni St. Francis?

brainchild said...

@mahalia,

totoo yan. hindi naman lahat dapat iasa sa gobyerno. marami dito sa pilipinas, reklamo lang ng reklamo pero ano ba ang ginagawa nila..... kung wala ka naman ginagawa para umasenso, wala kang katapatan magreklamo. yun ibang mahihirap dito nasanay ng umasa sa iba kaya nanghihingi ng limos kahit malalakas pa at me magagawa pa. minsan pati mga anak kinakalakal pa sa ganon paraan. imbes na turuan mamuhay ng marangal.

hay naku naman talaga.....

Multiple Choice

Mom's Corner

Vote for my Blog

Vote for my blog on Mom Blog Network

Vote for my Post

Vote for my post on Mom Blog Network

Add this blog

Add to Technorati Favorites