
PS: Mahirap magtrabaho pag umuulan. Di makatuyo ng damit Iba kasi ang damit na natuyo sa araw. Lalo na yun mga polo, kobre kama at kumot na inalmirol, parang ang linis linis at ang sarap suotin o higaan. Di rin makapagpaligo ng aso at baka magkasakit. Mahirap din kumilos pag basa ang paligid. Tuloy ipagpapabukas ang ibang gawain........ eh dapat nagpapahinga na.
Sana umaraw na..... Masarap din langhapin ang simoy ng hangin pagkatapos ng ulan , parang ang linis at ang gaan sa pakiramdam. Tinatanggal ang sukal at dumi ng kapaligiran. Inaalis ang ang mga alalahanin sa buhay. At nagsusulong ng bagong panimula.......

No comments:
Post a Comment