Time really flies fast. It's Wednesday, middle of a workweek. By this time, an employee would either be too absorbed in work or looking forward to the weekend. With me, I let off some steam on this day as I take a midweek break from my classes. I do not totally let off my guard as there is still work to do. I have another class tomorrow. I could have made it three consecutive nights for my three classes........ but nah, I am no robot........ I need to reboot.....
Today, I have relative peace as the leeches, errrrr my colleagues, are out partying, I mean conducting a planning session in one of the hotels in Makati. They will be holed there until Friday........ya'y. I will have my own party in here.........Oooooooooh I wish........ But I can't afford to slack off........ I have pending matters in the office, I need to prepare tests for our midterm examination, I have some errands to do in between..........
I can hardly wait for my weekend retreat.........
PS: Nasira yun switch ng TV ko sa kwarto....... Kabwisit talaga. Nung Lunes lang nangyari. Medyo maluwag na talaga yun pero basta wag lang galawin at gamitan ng remote control sa pagbukas ng TV, ok lang. Kaya hinayaan ko na maluwag, wala naman problema. Paminsan-minsan lang pag nakikinuod yun anak kong bunso sa kwarto, dun sa switch binubuksan at napagsasabihan ko pag nahuhuli kong ganon. Nadadalas makinuod ng TV ang anak kong ito ngayon kahit meron naman siyang sariling TV sa kwarto niya. Ewan ko kung bakit.
Pag dating ko nung Lunes, wala rin mga ilaw sa taas ng bahay namin maliban sa kwarto ko. Gumagana naman ang mga saksakan ng switch. Sabi ng kasambahay namin baka daw dahil sa malalakas na pagkidlat. Siguro nga at nag-short circuit. Wala pa yun asawa ko kaya di ko alam kung ano gagawin sa electrical box namin. Alam ko irereset lang yun circuit breaker para dun. Pero ayoko pakialaman.
Pag panhik ko sa itaas, binubuksan ko sana ang TV ko gaya ng nakagawian. Para kasing ilaw ko na rin ito at ayoko magbukas ng ilaw sa kwarto, masyado maliwanag. Aba at ayaw mag-on ng TV. Ilan beses ko pinindot ang remote control, ayaw talaga. Sinubukan ko palitang ng baterya, ayaw pa rin. Nilapitan ko at sinuri ang switch. Nang pindutin ko nga, nakalubog...... hay naman. Tinanong ko ang pangalawa kong anak na lagi din nanonood sa kwarto.... hindi daw niya alam. Tulog na ang bunso kong anak kaya di ko na natanong.
Pero nakakainis talaga. Sa gabi lang ako nakakapanood habang patulog na ako. Karaniwan nga replay na nga lang ng palabas. Pwede naman akong manood ng TV sa ibaba pero me problema din yun switch at di nagagamit yun remote control dun. Pag nagamit na ang TV at pinatay, di na mabubuksan..... At gaya din ng TV ko, dahil gumagana pa hinayaan lang na ganito. Isa pa mas masarap manood ng nakahiga.
Eh pag Lunes pa naman, palabas ang Damages na ang tagal ko ng hinintay ang new season at sinubaybayan ko ang first season non. Tuwing alas-onse ito sa Star World. Ayan di ko na napanood. Tapos new season din ng CSI NY sa AXN. Sinusubaybayan ko rin AI Season 8 at pinapanood ko yun replay tuwing alas onse sa Star World tuwing Merkules at Huwebes. Masarap panoorin ito at ang gagaling ng contestants ngayong season. Isa pang pampatulog ko yun mga reruns ng Sex and the City. Me mga episodes kasi na di ko napanood dati. Ito na nga lang libangan, nawala pa.
Nung tanungin ko pala yun anak kong bunso kinabukasan, hindi din daw siya. Nagalit nga sa kin at pinagbibintangan ko daw siya. Eh gumamit daw siya ng remote control nung huling nood niya sa kwarto ko........ hmmmmmmmmm, sino ngayon ang nakasira ng switch. Nang tanungin ko rin ang kasambahay namin na naglilinis ng kwarto ko, di rin daw niya alam........ kailangan ko yata ipaCSI pa itong misteryong ito........ Sabagay kailangan na nga rin sigurong ipagawa yan switch na yan. Itong sabado dadalhin ko na sa service center. Dusa muna ako ngayong linggong ito.
Last minute Christmas shopping
-
Dear Mama,
Our children and I went out today for a last minute Christmas shopping.
We just completed Ralph's gifts, Mama. Actually, I went out first ...
2 hours ago
No comments:
Post a Comment