The luck of an ignoramus is this: He doesn't know that he doesn't know. (Yiddish Proverb)
Ang Salitong ay mga salitang pinaikli at pinagdugtong-dugtong para bumuo ng panibagong salita na iba ang kahulugan . Sa wikang ingles, compound words ang tawag dito. Opisyal ang mga salitong na ito dahil ang gamit nito ay sa aming tanggapan lamang. Kung ano man ang pagkakahawig sa tunay na buhay ay di sinasadya. Pramis....
Ang mga sumusunod ay mga salitong na magagamit sa aming tanggapan:
bossabos (bos-uh-bos) - Luma na ito subalit mabuti rin na bigyan ng puwang dito. Ito ang mga boss na nangbubusabos. Marami rin ganito sa iba't ibang opis..... iba't ibang hugis, uri, at kasarian. Kung di man makapagbitiw sa trabaho ang kanilang tausan kahit punong puno na, siguruhin na hindi nagdadala ng mga deadly weapon sa opis at baka kung ano magawa nila. Basta mag-ingat sa mga ganito.
tausan (ta-oo-san) - mga tauhan na utusan ng mga bossabos. Mahigpit ang kwalipikasyon na susunod ng walang pag-iimbot at buong katapatan ang mga taong ganito. Di sila pwedeng magtanong o sumuri o magbigay ng sariling opinyon o kuro-kuro. Para sa mga bossabos, isa lamang silang tagasunod at di dapat lumampas sa hangganan na itinalaga sa kanila.
Amag (uh-mag) - Yun mga akala magaling sila. Maraming ganyan sa opis namin na pinipilit paniwalaan na matatalino sila dahil sila ay marunong bumasa at sumulat kahit karaniwang di nila naiintindihan ang binabasa o sinusulat. Napapalawig ang pakiramdam na ito sa pamamagitan ng pagpapaligid ng mga tausan na mas hindi nakakaintindi kesa sa isang amag. Ang tausan at bossabos ay parehong pwedeng maging amag. Kailangan lang magbigay ang tausan sa mga bossabos at palabasin na mas amag ang mga ito kapag me matataas na boss.
Puma (poo-mah) - Piling at umaastang magaling. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpaparinig sa lahat ng abot ng kanilang boses ng mga bagong kaalaman na sa isip nila ay orihinal na konsepto kahit ito ay isa ng lumang konsepto na mas malamang ay alam na ng lahat. Mahilig din silang manguha ng konsepto ng iba na iaayos lang ng konti at presto..... kanila na ang konseptong ito. Para maging puma, daanin sa lakas ng boses at pag-iipon ng mga tausan tuwing magkwekwento o magpapapuripres. Pag naglipana ang mga totoong bossing, kakikitaan ng matinding pagpupuma ang mga amag.
Hilabo (hee-la-bo) - Hindi halatang bobo. Kapag ganito ang isang tao, umarte lamang na puma para hindi mahalata at amag na rin siya. Ito ang kaganapan ng pagpapanggap para hindi mahalatang nagpupuma lamang ang isang tao. Dahil karamihan sa mga tao dito ay hilabo na puma, mahirap nilang malaman kung sino talaga ang ang pinakamatinik sa kanila. May halong pagkainis at pagkahilo ang mararamdaman pag pinakinggan ang usapang-hilabo.
Artekulet (Ar-te-kool-et) - Ito yun mga nangangalap ng mga report o impormasyon sa ibang opis. Nangungulet ito pero ang ginagamit na pamamaraan ay ang pag-iinarte.... nagpapacute sa pamamagitan ng pagboboses bata o pagiging sobrang galang. Maaring ginagamit ang pamamaraan na ito dahil sa hindi pagkaintindi hinihinging impormasyon o sa dapat gawin. Sa pag-iinarte, nakakalusot sila para matakpan ang pagkahilabo.
Cornikeua (kor-nee-ke-wa) - Kawawa ang mga taong kailangan gumawa nito. Yun bang kahit corny ang joke ng nagpapatawang bossabos eh kelangan tumawa pa rin ang mga nakakarinig. Kundi, tigbak sila sa trabaho. Sensitibo ang tenga ng mga taong ganito dahil kailangan handa silang tumawa lagi. Nakakaawa ang itsura ng isang taong nagpipilit tumawa para lang mapasaya ang mga bossabos nila. Madalas din mangyari na biglang me hahalakhak na tausan kahit wala siya sa usapan ng mga nagpapatawang bossabos o amag.
Tinusi (ti-noo-see) - Sila yun mga tinuturo kapag me nagawang mali ang mga amag. Kasi nga hindi naman talaga magaling ang mga amag kaya me mga pagkakataon na nahuhuli sila na nitong mga huling araw ay dumadalas.. Para maisalba ang reputasyon, hahanap sila ng ituturo at sisisihin para hindi sila mapapagalitan ng mas mataas at magagaling sa kanila. Kadalasan na wala sa pagtitipon ang mga tinusi kung saan lalabas ang palpak ng mga amag. Kung nandon man, sila yun mga tipong tatanggapin na lang ang sisi.
Babong (buh-bong) - Bagong bago pero bibong bibo na ang mga taong ganito. Gustong gusto ng mga amag ang mga taong ganito dahil sa kanilang malaking potensyal. Sila ang mga ihuhugis para maging mga tausan kalaunan. Mapagmasid at madaling maging comportable sa kapaliguran ang ganitong mga tao.... para bang isda na nilagay sa aquarium. Dahil parang isadang aquarium nga sila, mapapansin ang kakaibang sigla sa mga ganitong tao tuwing nasa piling ng mga amag at bossabos at pag alam nilang me nagmamasid sa kanila.
Puripres (poo-ree-pres) - Para sa mga kulang sa pansin ito dahil ito ay papuri sa sarili sa sariling press con na sila sila din ang gumawa. Sa madaling salito, ito ay pagbubuhat ng sariling bangko. Pag kailangan ng mga amag ng publicidad, gumagawa sila ng sarili nilang balita tungkol sa ginagawa nila na sila rin ang magpapakalat sa mga di nakakaalam o di interesado sa ginagawa nila. Sa isang puripres, magpapakitang gilas ang mga amag sa papamagitan ng pagpapalabas sandali ng trinabaho na masusundan ng mahabang kasiyahan para di na mapansin ang trinabaho.
Kismosass (kis-mas-sas) - Ang pangangalap ng mga tsismis na makakatulong para lalong sumikat ang mga amag o makakasama sa mga kaaway ng mga ito na ginagawa ng mga tausan o babong para maihahandog sa mga amag na paraan ng panhahalik ng di kaaya-ayang parte ng katawan. Dahil malaki ang naitutulong ng mga tsismis na pabor sa mga amag, ineenganyo ang mga tausan at babong ng magkalkal ng mga usap-usapan, totoo man o hindi. Pag walang makalap na tsismis, sila-sila mismo ang gumagawa ng tsismis.
Me salitong din ba kayo?
Para maintindihan ang mga salitong na ito, makakatulog kung babasahin ang mga sumusunod:
Thy Kingdom Come
Definition of Terms
Bossing and Bosabos
Silliness takes some of life's drudgery....
No comments:
Post a Comment